Ang mobile game na Mobile Legends ay gagawing "Pambansang Laro Ng Pilipinas" dahil daw sa dami ng Pilipinong naglalaro nito at wala na raw naglalaro ng patintero.
Ayon sa Historical Institute of the Philippines, mas marami ring naglalaro ng Mobile Legends kaysa basketball, volleyball, soccer at iba pang laro.
"Libu-libong Pilipino ang araw-araw na naglalaro ng Mobile Legends at maraming magagaling kaya iminungkahi ko sa aming kagawaran ang panukalang gawing pambansang laro ang Mobile Legends," ang sabi ni Theodore Agoncillo na kabilang sa Board of Directors ng ahensya. "Marami na rin tayong kababayan ang nagkampyon sa mga kumpetisyon sa labas ng bansa."
Dagdag pa ni Agoncillo, "Ang mga millenials ay di na naglalaro ng patintero at sa cellphones nalang nila naglalaro kaya di na ito angkop na tawaging pambansang laro sa panahon ngayon."
Agad naman raw na sumang-ayon ang iba pang kasapi ng departamento dahil sila rin daw ay naglalaro nito at dahil pino-promote ang kultura ng mga Pilipino sa pagdagdag kay Lapu-lapu bilang isa sa mga heroes na pwedeng gamitin sa laro.
Isa ang Mobile Legends sa e-sports na tampok sa gaganaping Southeast Asian Games dito sa Pilipinas ngayong taon.
(Filed under April Fools Joke 2019)
No comments:
Post a Comment